Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Bill Crowder

Naipintang Larawan

Ang National Portrait Gallery sa London, England ay museo na naglalaman ng mga naipintang larawan. Makikita doon ang mga ipinintang larawan ng mga sikat na tao tulad nina Winston Churchill, William Shakespeare, at George Washington. Dahil sa mga naipintang larawan nila, mapapaisip tayo kung totoo bang iyon talaga ang hitsura nila. Walang litrato na puwedeng pagkumparahan sa mga naipintang larawan maging…

Malaya Kang Lumapit

Ilang taon na ang nakakalipas nang imbitahan ako ng kaibigan ko na manood sa paligsahan ng larong Golf. Nang makarating na kami, binigyan nila ako ng mga regalo, babasahin tungkol sa golf at mapa ng buong lugar. Pero ang pinakamaganda ay ang makaupo kami sa isang lugar na para sa mga espesyal na tao kung saan libre ang pagkain at maayos…

Kinabukasan

Natutuwa akong pagmasdan ang payapa at asul na langit. Ito ang isa sa pinakamagandang obra ng Dios na talagang masisiyahan tayong pagmasdan. Isipin n’yo kung gaano kasaya ang mga piloto sa tuwing nakikita nila ang kalangitan. Marami silang tawag sa panahon kung kailan magandang lumipad ang eroplano sa himpapawid. Ang paborito kong pantawag nila ay ang sinasabi nilang, “Makikita mo…

Alam Niya ang Lahat

Nagkaroon ng problema ang anak ko at asawa niya. May sakit ang kanilang panganay at kailangang dalhin sa ospital. Nakiusap sila sa amin na sunduin ang kanilang 5 taong gulang na anak na si Nathan sa eskuwelahan. Masaya naman kaming mag-asawa na gawin iyon.

Nang masundo na namin si Nathan, tinanong siya ng asawa ko. Ang tanong niya, “Nagulat ka ba…

Walang Hanggan

Noong 2015, namatay si Jeralean Talley sa edad na 116 taon. Siya ang naitala noon na pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo. Noong 1995 naman ipinagdiwang ng mga taga Jerusalem ang 3,000 taon ng pagkakatatag ng kanilang bansa. Pero kung sa tagal lang ng taon ang pag-uusapan, may isang puno na matatagpuan sa California na higit 4,800 taon nang nabubuhay. Mas…

Ipakita sa Iba

Noong Marso 1974, may ilang taga China na magbubukid ang naghuhukay para magkaroon sila ng balon. Pero sa halip na tubig ang matagpuan, mga hinulmang putik na anyong sundalo, karwahe at kabayo ang nahukay nila. Napakarami ang nahukay nila at kilala ito ngayon sa tawag na Terracotta Army. Naging sikat ang Terracotta Army at taun-taon mahigit isang milyong katao ang pumupunta…

Pananalangin

Noong Agosto 2010, nakaabang ang buong mundo sa balita tungkol sa isang minahang gumuho sa bansang Chile. May 33 minero ang naiwan sa ilalim ng minahan. Inaakala ng mga minero na wala nang makakatulong sa sitwasyon nila. Pero ang hindi nila alam ay marami ang naghahanap sa kanila sa pamamagitan ng paghuhukay. Pagkalipas ng 17 araw, may narinig ang mga…